Now Playing Tracks

EPAL

EPAL

 

Kabadtrip! mga iyak buwaya,

Pero animuy aso kung makatawa,

At numero unong balat sibuyas kung magdrama.

 

Hay naku, tao nga naman.

Utak’y nasa talampakan.

Di mo mawari ang tunay na kalooban,

Dahil magkaiba ang kanyang wika sa kanyang mga gawa.

 

Kaya lubos na ang aking pagkabahala,

Baka tayo’y singilin sa pagkakamali na iba naman ang may sala.

Mga bata, sanggol, ginagawa o gagawin palang na buhay ang kawawa.

Inosente at walang alam, sila ang madarapa,

Sa patibong na ang ninuno niya mismo ang lumikha.

 

Sana ngayon palang ako ay iyong patawarin,

Pangkat ako’y walang nagawa at naghintay lamang ng takimsilim.

Ako ay takot na magsalita sa balak nilang ika’y patirin.

Handa ako sa galit mo wag mo lamang sila’y sumpain.

Lahat ng panunumbat kaya kong tangggapin,

Wag lang pahirapan ang supling ko, yun ang di ko kayang tiisin.

 

 

During the campaign period pinilit kong wag magkomento pero ngayong may mga partial results na, hindi na kaya ng dila ko na magtimpi pa.  Sasabog na ko pag hindi ko naibulaslas itong aking nadarama.

 

Villar? Halatang ganid sa pera at kapangyarihan.

Binay? Isang ihemplo ng batang isinubo ng magulang sa pulitika.

ERAP? Ex-president na ex-convict.

 

Ilan lamang sa mga naendorso ng ilang relihiyon, at ung una, ayaw ko pang maninawala na dahil lang sa pageendorso ay mananalo na sila. Ngunit nagdilang anghel (na may sungay) si Erap nang sabihin niyang imposible siyang matalo dahil nasa panig niya ang ilang mga relihiyon.

 

Walang kadala-dala ang mga Pilipino. Walang dala ang mga bumoto kay Erap, naimpeach dahil sa pagnanakaw ng gaban ng bayan. Kitang kita kung gaano siya kaganid, kahayok at kakapit tuko sa kapangyarihan para maghangad pa ng posisyon sa lokal na pamahalaan at malas ko, lungsod ko ang napili nya, ang Maynila. Sabi ni Koko Pimentel USE YOUR KOKOTE, ninakawan ka na nga noon, at ngayon, gusto mo pang simutin niya ang titira sau? Magkano ba ang binayad niya para siya’y muling pagkatiwalaan mo? Tapos magrarally rally kayo pag di nagustuhan ang kanyang pamumuno?

 

Anila, VOTE WISELY, tsk tsk tsk, natalo ulit si wisely, sana sa susunod iendorso niyo naman si wisely dahil sa huli ikaw din ang talo pag nagpagamit ka sa ibang tao. Ang PILIPINAS ay isang MALAYANG BANSA kaya nga DEMOKRASYA, bakit ka nagpapadikta sa iba? At hindi ba’t may FREEWILL tayo?

 

Pero huli na para magreklamo. Kung gusto ng pagbabago, simulan sa sarili mo, sa sarili ko, mgtulungan tayo. HINDI PA HULI ANG LAHAT PILIPINAS, sabay tayong babangon. Mamamatay akong ipinagtatanggol ka laban sa sarili kong mapagsamantala.

 

Kahit sino ang iluklok ko may masasabi at masasabi ang iba. Kung kaya’t tanggapin at harapin nalang ang bagong hinaharap nang may ngiti at puno ng pag-asa. Nawa’y hindi na maulit ang nakaraan at ang bawat isa ay matuto at ituwid na ang mga pagkakamali.

 

“GOD BLESS PHILIPPINES, GOOD LUCK MANILA, WELCOME CORRUPTION”

 

*THIS IS JUST MY OPINION. YOU MAY AGREE AND I DO NOT CARE IF YOU ARE NOT*

To Tumblr, Love Pixel Union